“SINO ang kasama mo, Lily?!” Nagulat si Lily sa biglaang pagpasok na iyon ni Colt sa kanyang kwarto. Kararating lang niya galing sa mall. Pinasyal niya si Rina. Binili na rin ng mga damit at kung anong gusto nito. Pina-rebond na rin ang buhok. Gusto niya masuklian sa ganoong paraan ang lahat ng pagsasakripisyo nito para sa kanyang ina. Hindi masukat ang kasiyahan sa puso niya nang makitang nag-enjoy si Rina. Hindi nga matapos-tapos ang pasalamat nito sa kanya nang inihatid niya ito pabalik sa hospital. Tumagal rin siya ng ilang oras sa hospital bago napagpasyahan na umuwi. Napakunot-noo siya. Hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ni Colt. “Ano?” “Huwag ka ng magmaang-maangan pa, Lily. I saw you with a man at the Willows!” Ang binanggit nito ay pangalan ng isang restaurant. Tama it