PUMASOK na kaming dalawa ni Desmond sa kʼwarto namin dito private resort niya. Katatapos lang namin mag-dinner ngayong gabi, sobrang sarap ng niluto ng mga tauhan ni daddy Desmond dito sa resort niya. Sobra akong nabusog. Kaming dalawa lang ulit ang nandito sa kʼwarto sa may second floor dahil si baby Dillon ay matutulog sa tabi ng wowa and wowo niya. Gusto rin kasi ng daddy niya na kaming dalawang muli sa iisang room. May binabalak na naman. “Desmond, ako muna ang maliligo, ha?” sabi ko sa kanya at nakita ko ang pagtango niya sa akin. Lumakad na ako papasok doon at kumuha ng night gown ko, red iyon. Pumasok na ako sa loob ng bathroom at naghilamos na ako. Naging mabilis ang aking kilos sa loob ng bathroom at nagbibigay na rin ako. Nakakaramdam na rin kasi ako ng pagka-antok. Kaya ne