YAKAP-YAKAP ako ni Desmond nang mahigpit habang sinasabi sa aking kanang tenga ang salitang 'I love you', paulit-ulit iyon habang patuloy pa ring sumasaboy ang fireworks paligid ng kalangitan. “Mommy! Daddy!” Napahiwalay kami sa isaʼt-isa nang marinig namin ang boses ng anak namin. Napalingon kami roon sa pinanggalingan na boses at nakita namin si baby Dillon na tumatakbo sa amin. “Yehey! Mommy and daddy gonna get married!” malakas na sabi ni baby Dillon at niyakap niya kami nang mahigpit. Nakita rin namin sa likod ni baby Dillon ang parents namin na naglalakad na palapit din sa amin. “Congratulations, iha and Desmond!” malakas na sabi ni ninang Denise sa akin at niyakap niya kami ni Desmond. “Masaya ako para sa inyong dalawa!” saad din ni Mama sa amin. Napangiti na lamang ako s