MONDAY, kumakain na ako ngayon ng breakfast ko pero until now bwisit pa rin ako kay Gurang na iyon! Naka-receive na naman nga ako ng text message mula sa kanya pero hindi ko na naman ni-reply-an. Alam ko na kung bakit bwisit ako dahil may dalaw ako today, actually, kagabi pa! Kaya heto mainit ang ulo ko. “Aurelia, need mo bang baunin iyong hot pack compress mo para dʼyan sa puson mo?” tanong ni Mama sa akin. “Dala ko na po, Mama! Bibili na lamang ulit ako ng bago para may magamit din po ako sa condo. Heto po kasing dala ko ay para rito sa bahay,” saad ko sa kanya. Tumango na lamang si Mama sa akin. “Ilan ang baong napkin mo ngayon? Heavy ka pa naman kapag first day mo!” sabi ulit niya sa akin. “Pack po itong dala ko, Mama, and pang-heavy flow po ang gamit ko!” sabi ko sa kanya. Fi