“Daddy Desmond! Binaba mo na po ba ang mga gamit natin?” malakas kong tanong sa kanya. Tinatanong ko sa kanya ang about sa damit namin ni baby Dexon. Yes po, lalaki ulit ang anak namin ni Desmond. Kaya kinakabahan ako na baka kamukha na naman niya. “Yes po, mommy! Nilagay ko na po sa maleta ang lahat ng gamit ni binilin mo at binilin nina mom and tita Janice,” sabi niya sa akin at tinuro ang maleta sa gilid ng main door namin. “Mommy, sama po ako, ha? I want to see my little brother!” Napatingin ako kay Dillon na nasa gilid ko, hinahaplos-haplos pa niya ang tiyan ko habang sinasabi niya iyon. “Of course, Dillon! Sasama ka sa amin ni daddy mo, okay? Pero, hindi ka nga lang makakapasok sa delivery room,” paliwanag na sabi ko sa kanya. Tinignan niya ako at tumango sa akin. “Itʼs okay