NAGISING ako na walang tao sa aking paligid. Napatingin ako sa paligid ko at puro puti lamang ang aking nakikita. “H-hel—lo...” Namamaos kong sabi at halos hindi ko makilala ang aking boses. Nasaan ba ako? Ang huling kong naaalala ay nasa kotse kami ni daddy Desmond habang patuloy kaming pinapaputukan ng mga taong nag-abang sa amin. Kaya ngayon, nasaan naman ako? Nilibot ko muli ang kinalalagyan ko, puro puti pa rin ang nasa paligid ko ngayon. Pinipilit kong tumayo pero wala akong lakas kaya ang ginawa ko na lamang ay kumuha ng pʼwedeng mahulog, nakita ko iyong plato na-stainless kaya iyon ang hinulog ko. Gumawa iyon ng ingay na siyang pagpikit ko. Isang segundo lamang ay may narinig na akong mga yapak na papunta na rito. Bumukas ang pinto at nakita ko sina Mama and ninang Denis