LUMIPAS ang isang buwan naming pagpe-prepare para sa kasal namin ni daddy Desmond. Ang hirap pala magpakasal, ʼno? Ang dami mong need i-prepare. Akala ko naman ay gown, wedding church and food lang aasikasuhin mo, hindi pala. “Mommy! Daddy! Balik po agad kayo, ha? Donʼt forget your promise, you said to me na we watch together the new movie today, okay?” sabi niya sa amin ni Desmond at nakita ko ang paghaba ng kanyang nguso. Napangiti na lamang ako sa kanyang ginawa. “Of course, uuwi rin kami agad daddy, ha? Kung pʼwede ka lang isama ay why not, right? Pero, baka mainip ka lang doon kaya stay here na lang with mommy-lola,” sabi ko sa kanya at hinawakan ang kanyang buhok. Kailangan kasi naming puntahan ang magiging souvenirs namin sa kasal. Lahat kasi ay inuumpisahan na namin, iyon din k