PANGATLONG araw na itong may nagpapadala sa amin at Unknown D pa rin ang nakalagay na sender. Siya pa rin talaga simula noong nasa Calgary kami. Kaya si baby Dillon ay tuwang-tuwa dahil everyday raw ay may gift siyang natanggap. “Sino ang nag-doorbell, Aurelia?” tanong ni Mama nang isarado ko muli ang gate namin. Napatingin ako sa kanya at tinuro ang box na bitbit ko ngayon. Nasa medium size lamang itong box na dala ko. Ngayong araw ay walang pagkain na dala iyong delivery rider. Paiba-iba rin ang naghahatid dahil bino-book lamang sila kaya hindi rin nila kilala kung sino nagbibigay, basta raw lalaki ang nag-aabot sa kanila ay nasa 5'6 to 5'9 ang taas niya. “Siya na naman ba?” tanong ni Mama sa akin at tumango ako sa kanya. “Unknown D,” saad ni Mama. Binuhat ko na ang box at pumaso