NAKATINGIN pa rin ako sa kanya. Hinihintay kong magsalita siya pero nakatingin lamang siya sa iisang lugar, hindi ako kung ʼdi kay baby Dillon. Nang dahil doon ay lalo akong kinabahan. Bumilis ang t***k ng aking puso na siyang kinabahala ko. “Um, a-ano pong need niyo?” Tinatagan ko ang aking boses na hindi pumiyok at kabahan sa kanyang harapan. “This is my gift for him.” Nakita ko ang isang plastic na malaki at nakasulat doon ang sikat na bilihan ng laruan. “Nice to see you again,” dagdag niyang sabi sa akin. Nagulat ako sa kanyang sinabi at bigla na lamang siya umalis nang walang pasabi. Iniwan lamang niya sa table ang plastic na dala niya. Napa-awang ang aking bibig nang dahil doon. “Mommy, whoʼs that guy?” tanong ni baby Dillon sa akin, na siyang pagtingin ko sa kanya. Tinign