ONE month, malapit na akong manganak. Month of June. Three weeks na lamang ay manganganak na ako kaya hirap na rin akong tumayo-tayo at ang leg cramps ay madalas na ring sumasakit. Kaya heto ako hindi na ako pinapatayo ni Mama. Hinahayaan na lamang din niya akong maupo maghapon pero minsan ay tumatayo pa rin ako para magkaroon ng kaunti nang exercise sa aking sarili. Naka-focus ako ngayon sa aking phone nang may mabasa akong article at iilang post about kay sa rumor boyfriend ni Camille. Naalala ko na naman ang sinabi ni Rachelle, ilang buwan na ang nakakalipas. Clinick ko ang article about kay Camille and sa rumor boyfriend niya. Binasa ko iyon pero wala akong nabasa na name nuʼng boyfriend niya. Totoo ba ito? O, isa na namang fake news? Baka naman nagpapa-trending na naman ang Camil