ANIM na buwan na ang nakakalipas, anim na buwan na rin si baby Dillon. Ang bilis ng panahon, dati lamang ay nasa tiyan ko pa siya at ngayon ay marunong ng tumawa. “Aba, tinatawanan na ang mommy, ha? Mukhang good mood ang baby Dillon namin,” kausap ko sa kanya at pinakain muli siya ng mashed potato. Paiba-iba ang pinapakain namin sa kanya. Mostly, gulay ang mga iyon. Gusto ko kasing maging familiar siya sa gulay para kapag lumaki siya ay hindi siya namimili ng pagkain, katulad ko. Napahinto ako sa pagsubo kay baby Dillon nang may nagdoorbell. “Anak, may tao yata sa labas!” malakas na sabi ni Mama sa akin kaya tumayo na ako. “Saglit lang, baby Dillon, tignan lang ni mommy kung sino iyon, ha?” kausap ko sa kanya at tumayo na ako. Lumakad ako papunta sa pinto at nang mabuksan ko iyon