NGAYON ang pag-uwi nina ninang Denise and ninong Alejandro rito sa Canada, kasama si Papa. Uuwi sila dahil first birthday na ni baby Dillon namin. Kaya heto kami ay excited na ngayon. Sana nga lang hindi sila masundan ni Desmond. Gusto ko na muli siyang makita pero itong puso ko ay hindi pa ready. Dahil sa mga fake news na kumakalat sa social media, isama mo pa na hindi niya ina-address iyon. Hindi rin niya alam na may anak kaming dalawa. Sinabihan ko sina ninang Denise and ninong Alejandro na huwag sabihin muna at gusto kong ako ang magsasabi kapag handa na akong makita siya muli. Binuhat ko na si baby Dillon at sobrang pogi niya sa suot niya ngayong terno na polo shirt. Papunta na kami ngayon sa airport kasama sina tito Junard, tita Melissa and Beatriz. Sa Friday ay first birthday na