DUMATING na rin kami sa airport, hinatid kami nina tito Junard, tita Melissa and Beatriz, umiiyak pa nga siya. “Donʼt cry, Beatriz... Luluwas naman kayo pa-Philippines sa Christmas, so, magkikita ulit tayo and ni Dillon,” pagpapakalma na sabi ko sa kanya at hinaplos ang kanyang buhok. “Ate Aurelia, w-wala na po magtuturo sa akin ng advance lesson every weekends! And, mamimiss ko rin po si Dillon!” nakanguso niyang sabi sa akin. “Donʼt worry, tita Beatriz! Always tayong mag-video call! Kukulitin ko si mommy para tawagan ka po every evening here in Calgary and every morning sa Philippines po!” nakangiting sabi ni Dillon sa tita niya. Narinig ko ang pagsinghot ni Beatriz dahil sa sinabi ni Dillon sa kanya. “Promise, Dillon?” pagtatanong niya sa pamangkin at tinaas nila ang ang kanilang