"MASAYA ka na ba, Pare? Oo, natuluyan ng bumagsak ang kaibigan natin. Iyan ay kung itinuring mo nga ba siyang kaibigan," mapait pa sa ampalaya na wika ni Marcu sa kaharap na si Edward Singson. "Huwag mong ipabalikat sa akin ang pagbagsak ng kalusugan niya, Marcu! Dahil wala akong kasalanan sa kaniya!" sigaw nito. Kaya't umakyat na rin sa ulo ang dugo! "Mula noon hanggang ngayon ba naman ay iyan ang sagot mo? Patong-patong ang kasalanan mo sa kaniya para sa ikakaalam mo!" ganting-sigaw na rin niya. "At ano'ng gusto mong isagot ko? Hah! Huwag kang magpatawa dahil kailanman ay wala akong---" Dahil sa pinaghalon awa sa kaibigang nasa pagamutan. Kahit declared na ligtas sa kapahamakan ay wala sa sarili at galit sa taong kaharap ay hindi na ito pinatapos ni Marcu. Binigwasan niya ng paulit-