"ANO ba ang nangyari, anak? Bakit n'yo pinatunog ang alarm device?" kaagad na tanong ni Grandma Shainar sa pamangkin sa pinsan nang makalapit silang lahat. "Sorry po, Mama. Pero nag-flat kasi kanina ang monitor. Kaya't nagmadali kaming kumilos---" "Pinsan! Huwag mong sabihing wala na si kambal? Hindi ako nurse o doctor pero sa pagkakaunawa ko sa pananalita mo ay... My God! Ngayon pa bang nanganak si hipag!" Pamumutol tuloy ni Jonathan Ross. Kaso mas tumubo ang inis niya sa katawan dahil bukod sa napangiti ito ay hindi agad-agad sumagot. "Tsk! Tsk! Huwag ka ngang ganyan, brother. Kako, kanina iyon. Ngunit itinulak ni BOSSING pabalik dahil kung kailan kami nagkagulo-gulo upang e-revive siya ay saka naman gumalaw-galaw ang daliri." "Mama, Papa, pasensiya na po kung nagulat ko kayong laha