"TALO mo man ako sa academic o kahit sa sport, Harden, hinding-hindi mo ako matatalo pagdating sa pag-ibig," ani Lazaro "Hindi ko na kasalanan iyan, Castromayor. Magsikap ka sa iyong pag-aaral para malamangan mo ako at huwag kang manulot ng nobya. Hindi na iyan makatarungan!" gigil na sagot ni Jovanni. "I don't fuckin' care, Harden. Saka itanong mo nga riyan sa nobya mo na sinasabi mo, kung sino sa atin mas mahal niya. Moreover, ask her for her virginity, tingnan ko kung may maibigay pa siya sa’yo," nakaismid na tugon ni Lazaro na ikinaigting ng panga ng binata. Hindi siya malupit sa tao, lalo na sa mga babae. Mula sa pagkabata pa lang ay tinuruan na siyang magpahalaga sa mga babae. Lumapit siya sa dalagita na hindi makatingin sa kaniya nang diretso. Nasa huling ta