"KUMUSTA ang pakiramdam mo, wifey?" tanong ni Jovanni sa asawa ng imulat nito ang mga mata. "I'm sorry, hubby ko. Pero ibalik ko ang tanong. Bakit daw ako nawalan ng malay? Ang huli kong nattandaan ay palabas na tayo sa sasakyan. Huwag mong sabihing totoo ang biro ni Mommy na mayroong sumabit?" patanong nitong saad. Kaya naman ay napahinga siya ng malalim bago muling nagwika. "Mabuti sana kung mayroong sumabit at humabol, wifey. Pero hindi eh." "Then, what is it, hubby ko? Aba'y ako ang kinakabahan sa iyo eh." Muli ay nagpakawala siya ng malalim na hininga. Kaso kung kailan handa na sana siyang magpaliwanag ay saka naman pumasok ang kapwa nila may edad na doctor. Malapit na ring ipasa sa isa pang bunso ang pagka-direktor. "Ako na, hipag, ang magpaliwanag kung bakit. It's a blood prob