"HMMMM..." Nanulas sa labi ni Magdalene. Kung tutuusin ay maaga pa upang matulog. Dahil hapon pa. Subalit dahil damang-dama niya ang pagod ay maaga siyang nagpaalam sa mga biyanan. Binilinan nga niya ang kasambahay na gisingin na lamang siya sa oras ng hapunan. "Huh! Ako naman ba ang mananaginip ngayon? Hmmm... Nasaan ba ang asawa ko at mukhang nahuli rin sa pag-uwi," bulong niyang muli saka umayos sa pagkahiga. Ngunit ng masulyapan ang wall clock ay napapalikwas siya! "Aba'y bakit wala man lang gumising sa akin? Alas-nueve na pala ng gabi. My God!" Tutop ang bibig ay babangon na sana siya. Ngunit agad ding natigilan. Dahil ang inakala niyang panaginip ay nasa paanan niya. Hinahalikan siya ng asawa mula paa paitaas. "Aba'y mabuti't hindi ma nahulog diyan, hubby? Susme, ano ka ba na