"ANO'NG nangyari? Bakit napamatahimik ng kabahayan?" tanong ni Jovanni sa kawalan. Ngunit sino nga ba ang aasahan niyang sasagot samantalang nakakabingi ang katahimikan. Dapat sa ganoong oras ay nasa kanilang tahanan na ang mga anak. Kahit ang asawa ay himala naman yatang hindi sumalubong sa kaniya. "F*ck! Did I miss a thing? This is not normal! No! This can not be done!" At sa kaisipang may masamang nangyari sa kaniyang pamilya ay patakbo siyang pumasok. "MOM! Dad! Where are you?!" "Wifey! Wifey!" "Where the h*ll are you, people?!" Kulang ang malakas upang ilarawan niya ang boses sa oras na iyon. Dahil talaga namang maaring marinig sa kanilang kalsada dahil sa lakas. Ngunit mas nainis siya dahil tanging ang echo ng kaniyang pagsisigaw ang naririnig. Kaya naman ay napaupo siya sa