“My princess, I’m sorry. Please forgive me.”
As soon as makita ni Ryze ang mensahe ni Liam na nakasulat sa sticky note na nakalakip sa breakfast na diniliver sa suite niya; she had a bad feeling. Tinago niya ito. I can make use of this later on. Malakas ang pakiramdam niya na may binabalak na namang itong si Liam. Is he sincere or is it another trap? Malamang patibong na naman ng binata at bago pa man ito makagawa ng hakbang minabuti niyang umalis na dito. After reading the note, tinawagan ni Ryze si Linda sa reception desk upang ipaalam dito na magcheck out na sila as soon as magising ang mga kaibigan nito.
Ginising niya na ang mga kaibigan. Naisip niya na may time pa sila para mag wake boarding ng ilang oras. Mag rent na lamang siya ng villa for the night kung gusto ng mga kaibigan na mag overnight doon.
“Nica, Ernel gising na! Let’s eat breakfast.” Shaking both to wake them up.
“Besh it’s too early.” Angal ni Ernel.
“Himala girl! Hindi ka late na gising?” Sabi naman ng nagtutulog-tulogang si Nica.
“I didn’t sleep well. Bumangon na kayo and wake up the boys. Magcheck out na tayo.” Ryze blurted.
“Akala ko ba hanggang mamayang gabi pa?” Ernel mouthed.
“There’s not much to do here anyway. We can go Camsur Watersports Complex,” she explained, “wake boarding?”
Pumasok si Jaycee sa kwarto kung saan natulog ang kapatid at nobya nito. Kasunod nito si Migz na papungas-pungas pa ng mga mata.
”Wake boarding sounds fun!” Jaycee answered.
“Gising na pala kayo. Tara kumain na tayo. So we can get there before lunch time.”
“Overnight ba?” Migz commented.
“Pwede rin, then we can all go to school together sa Lunes”, Ryze answered.
“Oh! Wag ng overgnight doon. Hindi kami informed na one week stay dito. Ang sabi lang nitong dalawa to come over so wala kaming dalang damit for a few days,” Jaycee replied.
“Okay, so hanggang closing lang tayo sa CamSur water, then uwi na? Kita-kits na lang sa Lunes sa tambayan natin?” She asked.
“Yeah,” sabay-sabay na sagot ng mga kaibigan sakanya.
“Gutom na ko. Anong agahan natin?” Migz jabbered away from them to the dining area.
Mabilis namang sumunod si Nica at binatokan ito,“ Ikaw Alfonso basta pagkain hindi mo palalampasin!”
“Ano ba? Janica sumusobra ka na!” buwelta nito sa nobya.
“Tama na yan,” saway ni Jaycee sa dalawa.
“Totoo namang masiba ka Migz,” Ernel chuckled.
“Kumain na tayo, papunta na dito ang maghahatid saatin,” yaya ni Ryze sa mga kaibigan.
Matapos nilang kumain nagcheck out na sila, sinundo naman sila ng family driver ni Ryze para ihatid sa CamSur Watersports Complex sa Pili, Camarines Sur. Humigit kalahating oras din ang layo nito sa hotel.
“Andito na tayo, mag-iingat kayo,” Manoy Bernie announced.
Nauna ng lumabas sa van ang mga kaibigan ni Ryze.
“Iha, alam ba ‘to ng Papa?” tanong ni Manoy Bernie.
“Tatawagan ko po Manoy,” sagot niya dito.
“Oh siya, wag mo kalimutan ipaalam sa Papa mo. Alam mo naman yun. Tawagan mo na lang ako kapag susunduin ko na kayo. Mauna na ako’t susunduin ko pa kapatid mo sa Iriga,” palinawag nito.
“Sa Iriga po?” Ryze asked.
“Oo, may salo-salo sa bahay ng nobyo niya kagabi.” Bernie said.
Yun pala ang date na sinasabi ni Raine. Ipanakilala niya na siguro si Samantha sa mga magulang nito.
“Ah okay po. Sige po Manoy pasundo na lang po kami mamaya. Ingat po kayo,” paalam ni Ryze sa driver, “guys let’s go!”
Sila Jaycee, Ernel, Migz at Nica lamang ang nagwake boarding. Samantalang si Ryze ay nanood lamang sa mga ito. Tumatawa sa bawat pagsemplang ni Migz sa tubig. Humihiyaw sa bawat exibition na ginagawa ni Jaycee. Habang si Ernel at Nica naman ay hindi pa gamay ang pagwawakeboarding. Marami-rami ding mga turista dito. Ang iba pa nga ay mga-artista. Sikat ang wakeboarding na ito sa buong Pilipinas dinarayo dahil sa ambiance at kaakit-akit na villa’s nito at ang “ultimate laing pizza” the only one in Bicol.
Sana’y may lakas ng loob siyang gawin ang sports na ito katulad ng mga kaibigan ngunit ang takot niya sa tubig ay hanggang sukdulan. Kahit na nga ito ay isang man-made lake lamang at hindi kalalilaman. Hindi niya pa rin magawang subukan. Kahit magtampisaw lamang sa pool area ng watersports complex pakiramdam niya ay lulubog na ang buong katawan niya sa tubig at malalagotan na siya ng hininga.
Isa rin itong dahilan kaya’t ultimong kanyang pagligo ay mabilisan lamang. Matagal na ang dalawampung minuto sa banyo. Matinding takot ang nararamdaman niya kahit sa bath tub na may lamang tubig. Isa rin itong sa mga dahilan kaya’t minsan na lamang siyang umuwi sa hacienda. Riding on a speedboat for forty-fives minutes makes her extremely anxious.
Pinagkasya niya na lang ang sarili sa panonood sa mga kaibigan na wagas ang tuwa habang hila-hila ng kable na nakasakay sa surf board panaka-nakang mag exibition paikot, pakaliwa, pakanan, tatalon at iikot sabay ng pagbagsak ng mga katawan nito sa tubig.
###
Sa di kalayuan nakatanaw si Liam sa dalaga. Pinagmamasdam niya ang bawat galaw nito. Ang bawat halakhak na pinakakawalan nito ay nagbibigay ng kakaibang kirot sa dibdib niya. Hindi niya gustong nakikitang masaya ito. Sinundan niya ang mga ito ng umalis sa hotel. Nagmukha tuloy siyang stalker.
Tinawagan siya ni Don Sebastian ng dis oras ng gabi. Galit ito ng dahil sa nangyari sa hotel. Hindi alam ni Liam kung paano magpapaliwang. Alam niyang sumobra ang kapilyohan niya kanina. Mabuti at nakumbinsi niya ito na babawi sa dalaga. Ano pa nga ba ang kailangan niyang gawin upang mapatawad siya nito?
Gumaganti lamang siya sa prank nito noong nagkita sila sa unibersidad. He is very egoistic. Hindi maaaring manalo si Ryze. Ngunit palagi itong handa makipagbalitaktakan. Sa pagtawag ng matanda sakanya , doon niya na pagtanto na may isang salita si Ryze kung anong lumabas sa mga bibig nito ay walang patumpik-tumpik nitong gagawin. Hindi nag-iisip. She’s very impulsive.
Defense mechanism niya lamang ba ang ugaling iyon? Katulad niya, gumagawa ng samo’t saring kalokohan upang mapansin lamang ng kanyang mga magulang. Ngunit sa bawat isang pagkakamili ay mas lalong tumindi pa yata ang galit ng mga ito sakanya. Buti na lamang at tumapad ang mga ito sa usapang bibigyan siya na sariling sasakyan at tirahan sa pagbabalik niya sa Pilipinas.
Maaga siyang nagising upang ipagluto ito ng agahan. Kanina, habang naghahanda ng pagkain para kay Ryze at sa mga kaibigan nito. Naisip niyang mag-iwan ng note para dito. Marahil sa paraang ito ay walang sigawan at bangayang maganap sa pagitan nila.
“My princess, I’m sorry. Please forgive me,” are the words that he intended to tell her when he see her again. Ngunit hindi iyon nangyari.
He regret the day he pushed her in the pool nine years ago. That was the reason why he grew up away from his family. The root of hatred that consumed him all these years. He never thought of coming back to Philippines. London is his home. He never seen his family for nine long years except for his Pops Mano who visits him every year.
TWO WEEKS AGO, he was on his twenty-two hours train ride from Paris back to London from a three month long baking & patisserie classes with his blockmates when his Dad called with the news that his grandfather is sick and he needed to come home.
“Son, you need to come home.” His fathers voice sounded weary different from his normal authoritative voice.
“Come home? Di ba kayo ang nagpatapon saakin dito tapos papauwiin ninyo ako? No Dad! I’m fine here—alone. Besides, it would be awkward seeing you every day. I managed to live for nine years on my own away from you.” He exclaimed.
“Please come home. Your grandfather is sick and the hotel is on the verge of bankruptcy.” His father pleaded.
“Bankruptcy? How did that happen?” he asked.
“I screwed up okay? Big time! I invested a large amount of money into this stocks but it turned out it’s a pyramid scam!” his father explained.
“You lost millions didn’t you?” he asked.
“Yes, I lost everything! Ikaw ang huling baraha para hindi mawala ang hotel sa atin.” Paliwang nito.
“So, Dad, you mean? Y-you need me after all?” Panunuya niya sa ama.
“Don’t be sarcastic Alexander. It’s for your own good why you’re there,” sagot nito.
“For my own good? o dahil binayaran niya kayo para ipatapon ako dito? Hindi ba?” He questioned him accusatively.
“What about a sports car and condo unit? Your own place in the hotel? I can give you the suite. I’ll give you everything you want as soon as we get this investment.” Liam’s father bribed him.
“Huh! So, y-you badly need me? Is it time for the w-wedding?” He grunted irritably.
“Son, please! Stop your sarcasm.” He heard his mom on the line.
“Fine! You have it all planned out. You even use Pops health condition to make me come home. You leave me without a choice, So, what would you like me to do Dad?”
“K-kai-l-langan m-mong m-mapalapit sa-k-kanya.” His father stuttered.
“You’ve got to be kidding me! No way dad! Sinabi ko na sainyo hinding-hindi ako magpapakasal.” He scowled at his father defiantly.
“Hindi mo pwedeng hindi gawin. Legal ang kasunduan. Makukulong ang lolo mo at mawawala sa ating lahat kung hindi ka tutupad sa usapan.” His mom answered.
Galit siya sakanyang lolo dahil sa kasunduan pero mahal na mahal niya ito at walang siyang hindi gagawin para sa matanda dahil ito lamang ang nagpakita ng pagmamahal sakanya maliban sa kanyang Kuya Xavier.
“What about my studies mom? I only have a semester left before graduating.”
“Xaviers’ friend helped us to speed up your student transfer process. Everything is set all you got to do is hop on the plane. Tataposin mo ang pagaaral sa unibersidad kung saan siya nagaaral. You have to do your best to win her over. Kailangang magkalapit kayo. You need to get married bago pa ito umalis ng bansa.” His mom replied.
“She’s leaving?” He asked.
“I heard it from your Tita Fina, binabalak nitong mag-aral ng masterals sa ibang bansa.” She stated.
“Did you even do any research about her?” he asked.
“Syempre hindi, responsibilidad mong alamin ang lahat ng tungkol sakanya.” Sagot ng ina nito.
“It’s final. Lilipad ka pauwi dito sa makalawa.” His father added.
“Dad! I have to bid farewell to my friends. Ang konti ng oras na binibigay ninyo sa akin.”
“Okay, you decide when to fly in. Ngunit kailangang nandito ka na by the end of May. Do you understand?
“Yes, Dad.”
But, as soon as he get off the train in London, he booked a flight to Manila.
He made it at the knick of time dahil huling araw na pala ng enrollment sa unibersidad ng mortal niyang kaaway. Hindi niya inaasahan, na sa unang tapak niya sa campus ng bagong eskwelahan ay ito ay kanyang makikita. Siya ang unang estudyanteng kakaiinisan nito hindi pa man nagsisimula ang pasokan.
Binalak niyang humingi ng tawad sakanya but because of his annoyance when she cut the line at the registration naisip niya na pahirapan ito. He chased after her. Until he found himself agreeing to her silly demands. He hated her, she hated him too. The feelings is mutual. How will he be able to be close to her like how his father wanted him too? If he says a word she rants back ten thousand times, parang machine gun ang bibig nito and always on a high pitch tone.
Subalit sakanyang katarayan at kasungitan nakita niya kung paano nito bigyang halaga ang kanyang mga kaibigan. Pinuntahan niya rin ang bar na pinagtatrabahohan nito, nabanggit ng Kuya Xavier niya ng sunduin siya nito sa Legazpi Airport.
He wandered why she needed to work kung sila ang pinakamayang pamilya dito sa Bicol. Napalaki ng negosyo ng pamilya nito. Ang Papa nito ang siyang dahilan kung bakit siya napadpad sa boarding school sa London. Sa kabila ng ginawa niya sa bunsong anak nito ay nagawa paring e ahon nito ang palobog ng negosyo ng kanyang ama.
Sa pangalawang pagkakataon, ito na naman ang mag aahon sa nalalapit na pagsara ng kanilang hotel. Ngunit ang pinagkaiba noon ay tulong na walang palit. Ngayon, his freedom is at stake. Even worse, he need to force himself to like her even if ang gusto niya ay pahirapan ito araw-araw.
“I have to marry someone I don’t love to save our business.”