Chapter 78 NAGULAT na lang ako sa aking paggising nang may nakatakip sa bibig ko na kamay, hindi ako agad nakakilos nang may tulis ng sibat ang biglang tumagos sa damuhan malapit sa kinahihigaan ko, sobrang lapit na sa mata ko at sa maling pagkakamali maari akong matamaan nito. Sobrang bilis nang pintig ng puso ko, saka lang ako binitawan ni Bron nang mawala ang sibat sa damuhan at nakahinga ng maluwag. Dahan-dahan siyang tumayo kaya sumunod naman ako sumilip sa mga papaalis na tribo, agad niya akong hinawakan sa kamay, hinila paalis do’n, mabuti na lang, nakapagpahinga kami at wala na yung kirot sa binti kahit sariwa pa ang sugat ko. Hindi pa kami nakakalayo nang may humarang na tatlong lalaking nababalutan ng itim na potek ang buong katawan, may tela lang para maitago ang pribadong pa