Chapter 63 PARA kaming hindi mapaghihiwalay simula nong mangyari ‘yon, mas lalo pa siyang naging clingy na animoy ayaw niyang humiwalay sa ‘kin at ayaw niyang mawaglit ako anumang oras sa mga paningin niya. Ngayong araw pumunta kami sa kagubatan sabi niya may ipapakita raw siya sa ‘kin, iniwan din niya ang trabaho niya sa palasyo para lang dito, mukha siyang excited para ro’n. Hindi naman kami masyadong nalalayo sa palasyo, hindi ko akalain na ang mabatong kabundukan ng Peridot ay may natatago rin palang paraisong lugar, habang hawak niya ako sa kamay, hindi ko maiwasang mapasulyap sa paligid ko, nararamdaman ng mga paa ko ang mamasa-masang damo at lupa. Napapalibutan kami ng halos berdeng kulay sa paligid at nababalutan ng berdeng maliliit na dahon pati rin ang katawan ng mga puno. May