Chapter 62 W: R18+ KUMAGAT na ang dilim at alam kong nagpapahinga na ang karamihan sa kanilang nakatira sa palasyo pero may ilan pa ring gising para bantayan ang buong lugar kung sakaling may paglusob na mangyari galing sa Onyx. Suot ang aking bistidang pantulog, nakadungaw ako sa terrace at nakatanaw sa bunduking tanawin. Wala akong masyadong maaninag lalo na’t wala ang buwan sa kalangitang sobrang dilim. Hindi ko rin alam kung anong nangyayari ngayon sa Onyx, sa malamang naghahanda sila sa paglusob at alam kong yon ang pinaghahandaan ni Athran kung bakit kada-araw siya’y abala kasama ang buong konseho. Tahimik man ang lahat pero nakakatakot pa rin kung anong klaseng nilulutong plano nila Bron. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Hindi rin mawala sa isip ko si Athran…isasar