Chapter 24 KINAUMAGAHAN agad kaming nag-asikaso para sa paglalakbay. Inayos namin ang mga gamit namin at pinagtulungan naming iligpit ang lahat bago kami tuluyang naglakbay. Halos papasilip pa lang ang araw nu'n at sobrang lamig pa rin ng hangin kahit unti-unti nang natutunaw ang yelo sa paligid ng kakahuyan. Walang naimik ni isa sa amin at mas lalong mabigat sa pakiramdam na hindi pa kami nakakapag-almusal ngunit hindi ako pwedeng magreklamo. Napapagitnaan kaming mga babae ng mga kawal at nasa unahan naman sila Bron. Nagtaka na lang ako nong mapansin kong tumigil si Bron sa unahan, sumunod din sa pagtigil ang mga nasa unahan at hanggang kami rin ay tumigil. May kalaban ba o halimaw? Bakit hindi ko agad napansin? Pinapakiramdaman ko ang paligid ngunit wala akong maramdaman na kahit na an