Chapter 23 TUMIGIL na muna kami sa isang kweba na malapit do'n, nagtayo kami ng tent sa loob para kay Mia at maibsan ang lamig na nararamdaman niya dahil nilalagnat siya ngayon. Gumawa kami ng bonfire sa loob para rin mabawasan ang lamig na nararamdaman namin, hindi namin naisalba ang ilan naming kagamitang nasira, mga pagkaing nawala at ilang sandatang hindi na namin nahanap na natabunan ng makapal na nyebe. Nagpapagaling ang ilang kawal ngunit may ilang nasawi. Laking pasalamat at kompleto pa hanggang ngayon ang gems. Pinahiran namin ng gamot ang mga galos naming nakuha na binigay ni Fiona para sa amin dahil siya ang nagsisilbing nurse sa grupo. Sabi ni Bron nakalaban namin ang isa sa mga halimaw na naninirahan sa Onyx sa probinsya ng Amitythel na sobrang layo na sa bayan, ang anglo