Chapter 32

1320 Words

Chapter 32 WALA rin akong nagawa sa pamimilit ni Allisya na gusto niya akong sumama sa grupo sa paglabas sa bayan. Napakaaliwalas ng gabi ngunit buhay pa rin ang tao sa bayan, marami pa ring namimili at namamasyal sa mga oras na ‘yon. Nakasunod lang ako sa kanila at paminsan-minsan sumisilip sa ilang mga paninda sa sidewalk ngunit wala naman talaga akong balak bilhin. Tanging maingay sa grupo sila Acdel at Acamen. May sariling mundo naman sila Hamish at Fiona na para bang sila lang ang nagkakaintindihan. Habang si Bron at Mia naman ang nag-uusap tungkol sa klase na hindi ko naman maintindihan. Si Allisya, maingay siya at sige sa pagkwento ngunit tanging tango lamang ang naigagawad ko sa kanya dahil hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko. “…Mas marami pang nagtitinda rito at min

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD