Chapter 31 ILANG segundo kaming nagtitigan nong mapansin kong umangat ang isa niyang kamay at nakatapat sa dibdib ko kaya napayuko ako ro’n. Muli akong napasulyap sa kanya at nagtataka. “Anong ginagawa mo?” Tanong ko sa kanya ngunit hindi pa rin siya sumagot. Napaatras ako nong ginalaw niya papalapit sa ‘kin ‘yong palad niya sa mismong dibdib ko ngunit nagtigil ako sa pag-atras nong humawak ang isa niyang kamay sa likod ko para suportahan. Nanlaki ang mata ko sa gulat nong idikit niya mismong gitnang dibdib ko ang kamay niya, napatingala ako habang gulat na gulat at hindi makapaniwala. Hindi ako agad nakaimik ngunit hindi pa rin siya nagsasalita hanggang sa mapansin kong unti-unti gumagaan ang pakiramdam ko at nawawala ang sakit dahil kanina. Nang tuluyang mawala ang sakit napasinghap a