Chapter 30

1290 Words

Chapter 30 SA loob ng isang silid na may malaking higaan, may dalawang nakahiga ro’n na animoy mahimbing na natutulog sa ilalim ng magandang telang kumot at nakahiga sa malambot na kama. Madilim sa silid ngunit bahagya ko silang nakikita dahil sa sinag ng ilaw mula sa labas ng bintanang nakasara. Malaking silid, may magagarang kagamitan na naka-display, mga vase na gawa sa porcelain, ginto at pilak. Alam ko na ‘to, ilang beses ko na ‘tong nakita at ito ‘yong panaginip niya na madalas ko ring makita sa panaginip ko. Pinikit ko ang mga mata ko at pilit na binabalik ang sarili ko sa realidad. Nang muli kong idinilat ang mga mata ko naroon pa rin ako. Bumukas ang pinto at pumasok ang binatang si Athran. Puno ng saya at positibo ang kanyang aura na hindi na katulad ng nakikita ko ngayon. Ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD