Chapter 29 DINALA nila kami sa isa pang silid na para bang dining area nila sa simpleng ayos nito, may mahabang lamesa at mga upuang naroon. May ilang mga painting na nakasabit sa pader at mga vase na may mga iba’t ibang bulaklak. Mas dominang ang gintong kulay at pula sa loob. Naupo si Dgary sa pinakakabisera sumunod ang kasama niyang binata sa kanang lamesa. “Maupo kayo,” yaya niya ni Dgary sa amin. Saka naman sunod-sunod na naupo ang mga kasama ko at naiwan ang mga kawal sa labas ng silid. Tanging sila Dgary, ang binata nitong kasama at kaming miyembro ng gems ang nasa loob. “Ano ba ang ibig mong iparating kanina?” Tanong ni Bron. Lahat kami’y napasulyap kay Dgary, wala siyang emosyong nakatitig sa aming lahat at taas-noong pinagmamalaki na para bang wala kaming magagawa sa gusto