Chapter 50 “Tulong!” Sigaw ng kaparehas na boses ni Allisya. “Umalis ka na! Iligtas mo ang sarili mo! Takbo, Avery! Takbo!” Isa pang boses ni Allisya. “Na saan ka?” Sigaw ko pabalik at palinga-linga sa paligid habang nasa loob pa rin ako ng talahiban, “na saan ka? Hindi kita iiwan!” “Tulong, Avery, andito ako!” “Huwag kang makikinig sa kanya, ‘wag kang magpapalinlang! Umalis ka na!” Hindi ko alam kung alin sa kanila ang susundin ko, parang may buhay ang mga paa ko at kosa itong tumakbo papalayo sa kanila. Para akong batang hinahabol ng halimaw na hindi ko naman nakikita. Patuloy sa pagtakbo, hingal na hingal at pagod ngunit hindi ako huminto para lang makalabas sa talahiban na ‘yon. Hindi ko gustong iwan si Allisya pero mas magandang makagawa ako ng paraan kung paano siya maililigta