Chapter 51 AGAD kaming umalis do’n nang makabalik kami kila Fiona at Hamish. Bumalik sa dati si Fiona na siyang pinagpapasalamat namin. Basta lang kami sumunod si Hamish dahil habang wala kami pinag-aaralan niya ang lugar. Sa simpleng pagpapakiramdam sa paligid nakabuo siya ng mapa sa kanyang isipan at hindi ko alam kung paano niya nagawa ‘yon. Dumiretso kami sa isang kuweba at alam kong malayo ‘to sa pinuntahan namin kanina. Dito nakapaghinga kami at makakapag-isip ng iba pang hakbang. Sabi nila dapat bukas ng umaga makapaglakbay uli kami bago pa man maunahan ng mga gems. Nang makatapos kaming makapag-almusal, do’n namin kiniwento kila Hamish at Fiona ang nangyari sa amin ni Allisya. Ngunit hindi alam ni Allisya ang ilang pangyayari. Nalaman kong pagpasok pa lang namin sa talahiban naw