Chapter 57 MARAMI akong naririnig na boses at samu’t saring ingay sa paligid ko. Nakaramdam ako ng pananakit ng ulo at katawan pero kaya ko ang tiisin. Idinilat ko ang mga mata ko at bumungad sa ‘kin ang madilim na paligid. Muli kong naalala ang sinukbit na tela sa ulo ko para wala akong makita. Nakabusal na ang aking bibig at nakaramdam ako ng kaba nang makaramdam ako ng tali sa ‘king mga kamay na nakagapos. Bigla kong naalala yung nangyari kanina, kanina nga ba? Anong oras na? Kumusta na sila Bron? Anong nangyari sa Linux at buong Onyx? Nakatagilid ang higa ko sa malamig na sahig. Nararamdaman kong may mga nagbabantay sa ‘kin sa mga oras na ‘to kaya hindi ko magawang gumalaw at baka kung anong gawin nila sa ‘kin. Naalerto ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto, may mga yapak at kal