Chapter 19 HINDI ko alam na inabot halos ng kalahating araw ang ginugol namin sa loob ng ilusyon na silid na ‘yon. Sabi ni Bron nagbabago ang ayos nito ayon sa gusto nitong ituro sa mga miyembro ng gems. Binuo ang silid na ‘yon para mahasa ang talino at istratehiya. Sa araw na ito gumawa ang silid na ‘yon ng sarili niyang obstacle course, ilusyon na pwedeng katakutan at kaharapin na panganib ng isang miyembro ng gems habang nasa paglalakbay siya ngunit totoo pangyayari ang binibigay nito. Sa oras na maka-survive ka saka lang makakatakas sa ilusyon na ‘yon. Nagpapahinga ako sa isang tabi at halos nagsisilabasan na sila para sa tanghalian. Nawalan na ako ng gana sa pagod, para bang gusto ko na lang magpahinga ng kalahating ng natitira kong araw at matulog. Hindi ko akalain na ganito pala a