Chapter 20 PERO hindi ako nagpahuli at hindi ako magpapahuli sa kanya. Nong alam kong aatakehin na niya ako’y agad na akong umilag pakaliwa ngunit hinabol niya pa ako kaya natamaan niya ako ng suntok sa braso na siyang kinaatras ko. Alam kong hindi siya titigil hanggang sa hindi pa niya ako nasasaktan ng todo kaya kahit na hindi ako sigurado umatake na ako sa kanya. Ngunit wala lang sa kanya yong sunod-sunod kong suntok dahil pinang sangga lang niya ang mga braso niya. Agad ko siyang sinipa sa kanan niyang binti para matumba siya at mawalan ng balanse. Nabuksan din ang depensa niya laban sa ‘kin kaya kinuha ko na ang pagkakataon na ito. Sinipa ko siya sa sikmura ng buong lakas, agad siyang natumba at bahagyang gumulong pala ‘yon sa ‘kin. Hingal na hingal akong nakatayo pa rin do’n haban