Chapter 86 NANG maidala nila si Bron silid niya para tignan ang kalagayan nito at bigyang lunas ang mga galos na nakuha niya. Biglaan ang pangyayari at hindi ko alam kung ano ang dahilan para lumabas ang itim na kapangyarihan na binibigay sa kanya ni Athran habang nasa loob pa rin siya ng katawan ni Bron. Namumutla ngayon si Bron at hindi ko alam kung anong klaseng tulong ba ang maari kong maibigay sa kanya. Halata sa mukha niya kahit na nahihimbing siya na may ininda siyang sakit. “Maraming salamat po,” sabi ko sa lalaking manggagamot at saka ako humarap kay Mildred nang umalis ang mga kasamahan niya, “hindi ko gusto ang nangyari lalo na si Bron, ‘wag sana kayong magalit sa amin, hindi niya alam kung anong ginagawa niya may…” hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila ang kalaga