Chapter 26 'Avery.' Nang maidilat ko ang mga mata ko bumungad sa 'kin ang kakaibang lugar. Nakita ko na lang ang sarili kong nakaupo sa silyang puti na nakaharap sa lamesang hugis kahon na napapatungan ng puting tela na abot hanggang lupa ang haba, napupuno ng mga bulaklak, mga matatamis na pagkain, tsaa, tasa, mga plato na kulay ginto at pilak. Suot ko pa rin 'yong bistidang kulay berde at ang flower crown. Wala sila Bron dito o mga Magwa. Napakaaliwalas ng kalikasan dahil naka-set-up sa ibabaw ng burol ang lamesa kong na saan ako. May iilang puno ro'n at kakaibang bulaklak o halaman na ngayon ko lang nakita. May napansin akong kakaiba sa dalawang magkatabing puno na nakaharap sa lamesa, may kong anong lumabas mula ro'n at nanlaki ang mga mata ko nong makita ko siya na dahang-dahan