Chapter 27 BUMUNGAD sa ‘kin ang napakaaliwalas na kalangitan. Natatanaw ko ang mukha ang estatwa ni Tythel sa taas nito’y parang nakakalula. Naramdaman ko na lang na may telang basang pumupunas sa kamay ko. Napasulyap ako kong sino ‘yon, nanlaki ang mga mata ko nong makita ko si Bron na nakatitig din sa ‘kin at animoy nabigla rin. Ilang segundo kaming nagkatitigan bago ko binawi ang mga kamay ko sa kanya at naupo. Magkatapat kami at napasulyap ako sa nakapaligid sa amin na nagtatakang nakatitig sa ‘kin. Para bang nakakita sila ng patay na muling bumangon sa hukay. “Avery?” Muli akong napasulyap sa kanya, “anong meron?” Magsasalita pa sana ako nong yakapin ako ni Bron at ako naman ang nabigla sa kanya. Nakita kong lumapit sa puwesto namin ‘yong miyembro ng gems. Ngayon ko lang napansi