Chapter 66 ISANG malakas na pagsabog ang aking narinig, binalot ng kadiliman at abo ang buong paligid. Hindi ako makapaniwala sa nangyari at pinasalang nadulot ng itim na liwanag. Walang natirang buhay, pati ang mga halaman at hayop. Nababalot ng usok at makapal na hamog. ‘Ikaw, ang may kasalanan kung bakit ‘to nangyari.’ Nanlaki ang mga mata ko ng makarinig ako ng boses na bumubulong. Agad akong lumingon sa paligid at hinanap kung saan ito nanggagaling. ‘Ang kapangyarihan mo ang naging sanhi ng lahat ng ‘to,’ sabi pa ng isang boses. “Hindi…” nag-echo ang buong boses ko sa sirang palasyo, napailing ako, “hindi ako may gawa nito, si---” ‘Sigurado ka ba?’ Tanong ng boses na ‘yon. NABABALOT ng katahimikan nang maidilat ko ang mga mata ko at sumalubong ang pamilyar na kisame ng aking si