Chapter 67 PARANG walang sa kanila ang nangyari, nagkakasiyahan sila at nagdidiwang hanggang ngayon sa pagkawala ng Peridot kasabay sa pagkawala ni Athran. Hindi ko maramdaman ang presensya niya kahit na anong mangyari at kahit ano pang gawin ko para mahanap siya. Kailangan kong makalapit mismong Peridot kung saan kami huling nagkita, kung saan mismo ang pagsabog. Naging totoo nga ang balita habang unti-unting nanunumbalik ang lakas ko. Abala ang lahat para sa koronasyon kaya ma mamayang gabi, wala man lang tumutol at iniisip nila na kung pupwede ba talagang maupo si ama sa trono bilang hari sa Onyx. Ilang beses kong nakakasalubong ang ilan sa pasilyo na patuloy sila sa pagbibigay galang dahil isa akong anak ng magiging hari, hindi ko nagugustuhan ang atensyong binibigay nila sa ‘kin. P