Chapter 68 NAKATITIG pa rin ako sa kanya na may gulat sa mga mata ko, kakaiba ang tono ng boses niya kung paano niya tinawag ang pangalan ko at pag-aalala sa mga mata niya. Bigla na lang siya napabitaw at bumagsak sa balikat ko ang ulo niya nang bigla siyang manghina. Agad ko siyang nasalo at humingi ng tulong sa mga kawal na agad namang lumapit sa ‘kin. Kinuha nila si Bron at ako’y nanatiling nakatanga ro’n habang nilalayo nila siya sa ‘kin. Hindi na bumalik ang kasiyahan pagkatapos ng kaguluhan na ‘yon at lahat ng ‘yon ay dahil kay Bron. Dumiretso ako sa pagamutan kinaumagahan para tignan siya ngunit wala siya ro’n at nadatnan ko ang dating nagbabantay sa kanya. “Na saana ang binatang si Bron?” Tanong ko rito. “Wala siya rito at hindi siya tinala rito. Sa tingin ko diniretso na siya