Chapter 69 MARAMING nakalatag na libro sa ibabaw ng lamesa kung saan kami nakapuwesto ni Acame, hindi ako pamilyar sa ilan at halos luma na ang mga ito na hindi masyadong nabubuklat sa kapal din ng alikabok nito sa pagkakatago. May ilang mga nakabuklat at isa-isa niyang pinapaliwanag kung ano nga ba ang santelmo. “…naninirahan ang santelmo sa kagubatan ng Miraya kung saan nagkaroon ng una at madugong sigalot sa pagitan ng mga Onyx, maraming namatay, mga bata o matanda, babae o lalaki na nakilahok sa gyera, dahil dito sinumpa ang mahiwagang kagubatan na hindi na masyadong pinupuntahan, sabi rito pinaniniwalaan na hanggang ngayon binabantayan pa rin siya ng isang kaluluwa, ang kaluluwa ni haring Elmo, ang haring namumuno ng mangyari ang sigalot.” May litrato sa pahinang nakaguhit, isang k