Chapter 70 SA loob ng isang linggo nakabuo kami ng plano ni Acamen, anong kailangan at saang ruta ang gagamitin namin para makarating agad sa Miraya. Hindi ako sigurado kung magiging successful ba ang plano pero sana gumana at makinig ang gems. Ngayon nagpatawag ako ng pagpupulong para sa plano at halata sa mukha nila na hindi sila interesado o wala man nagpapakita sa kanila na gusto nilang sumali na sadyang napilitan lang sila dahil miyembro sila ng gems. “May hinihintay pa ba tayo?” Tanong ko sa kanila nang makita kong hindi pa rin nila sinasara ang pintuan sa silid namin. Walang sumasagot hanggang sa makita ko si Bron na papasok sa silid, hindi na nagulat ang mga kasamahan ko maliban sa ‘kin, ngayon ko na lamang siya naalala at sa ilang linggong hindi ko siya nakita para bang bumalik