Chapter 71 HINAYAAN ko silang maging abala sa tatlong araw na natitira nila bago kami tuluyang maglakbay, muli kaming nagtipon sa bulwagan para pagtulungan ang mga gamit na dadalhin, ang mga sandatang gagamitin at may ilang nagpapalakas para bang pinaghahandaan nila ang paglalakbay. Pagkatapos ng pangyayari na ‘yon agad na nalaman ni ama ang nangyari lalo na’t nakita ni Esme ang pangyayari, kamuntik na naman siyang ibalik sa kulungan kung hindi ko napakiusapan si ama na baka may mali ang kay Bron kaya siya nagkakaganu’n kaya ngayon hanggang sa paglalakbay kailangan ko siyang bantayan. Lahat ng kilos niya at kung paano siya makitungo sa kapwa niya gems o nilalang rito sa Onyx lalo na sa Linux. Mukhang maayos naman ang pakikitungo niya kila Mia ngunit parang iwas siya sa ‘kin na siyang pin