Chapter 72 IWAS na iwas na si Bron simula nang mangyari ‘yon, naging abala rin nitong nakaraang araw kaya hindi ko na siya malapitan o makausap man lang, palaisipan pa rin sa ‘kin ang nakita ko nang hawakan niya ako, ang takot sa mga mata niya, ang pagbabago ng ugali niya at ang kaakibat na problema tungkol kaya ma. Ito na ang araw kung kailan kami aalis, nasa pier kami ng Datel, ang pinakamalaking pier sa Onyx at madalas na daungan ng malalaking barko galing sa ibang lugar. Halos na ikarga na ang lahat ng mga gagamitin namin at mga importanteng dadalhin nang makita kong papaakyat na si Bron habang nakasunod kila Mia. Nagkasalubong ang aming mga mata pero halata sa kanya na hindi niya gustong makipag-usap sa ‘kin at agad na pag-iwas ng mga mata niya. Naririnig ko ang samu’t saring ingay