Chapter 73 KOSANG pumikit ang mga mata ko nang unti-unti nang pumasok ang galyon sa loob ng makapal at maitim na ulap. Walang kasiguraduhan kong anong mangyayari sa amin rito, sinakop kami ng malamig na hangin ngunit napakatahimik na lugar, kamuntik na akong matumba sa biglang paghinto ng galyon sa mismong gitna, napakapit ako kay Acamen at sigawan ang narinig ko sa ilan. Napadilat ako nang makitang nasa loob na nga kami ng madilim na ulap. “Bakit huminto?” Tanong Esme, humarap siya sa puwesto kapitan na siyang nag-kontrol ng galyon, “bakit huminto!” May takot sa mga mata ng matandang kapitan, “hindi ko alam.” Muli akong napaharap sa kawalan, tinitignan kong ilang distansya ba bago kami makakalabas dito, nagulat ang lahat sa biglang pagkidlat, kumakalabog ang dibdib ko sa sobrang kaba