Chapter 74 ANG lapit pa rin niya sa ‘kin kahit pa bumitaw na ang labi niya sa ‘kin at ramdam ko pa rin ang bilis nang t***k ng puso ko. Tinitigan niya ako ng pamilyar na mga itim na pares ng mata. Muli siyang lumapit ang akala ko’y hahalikan na naman niya ngunit tumigil ang mukha niya sa kanan ko. Nararamdaman ko ang paghinga niya sa pisngi ko. “Kaya kong maging si Athran kung yon ang gusto mo, papayagan kita,” bulong niya. Namilog ang mga mata ko at agad na napaisip na akala ba niya nababaliw ako s apagkawala ni Athran. Agad ko siyang tinulak para lumayo sa ‘kin at sa isang iglap si Bron na naman ang nakita ko sa kanya. “Pinaglalaruan mo ba ako? Kung oo, hindi ako natutuwa sa ginagawa mo, patay na si Athran at sana ‘wag mo siyang gamitin para sa pang sarili mong kagustuhan,” inis kon