Chapter 36 HALOS hindi sila magkandaugaga sa mga kamag-aral naming hindi sila malapitan o mahawakan man lang. Ang tanging nakakahawak lang sa kanila ay ako na siyang pinagtataka namin lalo na ako. Hindi ko rin alam sa ‘king sarili kung bakit ko nagagawa ‘yon, ako lang ang nakakapagbigay din ng gamot at panlunas sa kanila para manumbalik ang mga dati nilang kulay maliban kay Bron. Ang sabi nila ang Batit daw ay isa sa mga mahihigawang nilalang sa Avalon at minsan lang sila kung dumalaw sa mga bayan lalo na kung may suliranin na nangyayari sa isang lugar. Sila ay mga sumpang panaginip, sa oras na madikitan ka nito hindi ka makakawala sa sumpa at dadalhin ka nito sa pinakakinatatakutan mong ayaw makita ng lahat. ‘Yong bagay na matagal mo nang tinatago sa oras na hindi mo malabanan ‘yon, maa