Chapter 35 KAKAIBA ang gabing ‘to, maliwanag kalangitan ngunit wala naman ang buwan o kabituin-bituin man lang para silang nagtatago at mahamog ang kalupaan. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari sa iba kong kamag-aral na namatay na wala man lang pinagbasehan ng maayos. Nakaupo ako sa study table dahil may mga ilang takdang-aralin akong inaaral nang magulat ako sa biglang pagtunog ng pinto sa terrace at napasulyap ako ro’n. Sunod naman na tumunog na para bang may matigas na bagay na binato ro’n. Tumayo na ako, lumapit sa pinto at sinilip ang labas. Lalong naging mas makapal ang hamog sa labas, nag-aalangan akong buksan ‘yon at baka iba ang makita ko. Ilang minuto akong nakatitig sa labas mula sa salamin na pinto ngunit wala akong makita. Napag-isipan kong buksan