Chapter 34 HINDI ko alam kung kailangan ko bang sabihin sa mga kasamahan ko sa gems, sa kaibigan ko o sa buong Linux ang sulat na natanggap ko kagabi. Nagdadalawang-isip ako, mas maganda sigurong manahimik na muna ako tungkol sa isyu na ‘to? Hindi ko alam. Sabi nila pwede pa raw kaming manatili sa pagpapahinga total dalawang araw pa lang daw ang pahinga namin pagkatapos ng misyon ngunit mas pinili kong pumasok na lang. Nagkalat ang mga babala at presyo na maibibigay ng Linux kung sakaling may isa sa amin ang makahuli na hinihinalang miyembro ng bandedo. Kakaiba pa naman ang batas nila, hindi nila dinadaan sa maayos na proseso, ‘pag sinabing ‘yon ay bandedo o kriminal, ‘yon na ‘yon, alam ko, dahil nangyari na ‘yon sa ‘kin pagkatapos nila akong husgahan na ako raw ang naglason sa buong Lin