Chapter 59 MUKHANG sigurado siya sa plano niya kaya pumayag din ako, pumayag akong ikasal sa kanya at baka magbago ang lahat. Ilang beses akong bumuntong-hininga sa ilalim ng itim na bwelong suot ko. Kanina pa ako nakahanda at nakaayos. Binigyan nila ako ng itim na bridal gown, medyo mabigat dahil makapal ang skirt nito at masyadong mahigpit ang pagkakatali nila ng ribbon sa korset. Off-shoulder na may mahabang manggas na pa-bloom ang mangas nito hangga’t pulso ko. Binigyan nila ako ng itim na bulaklak at itim na bwelo. Bagsak ang mahaba kong buhok at may flower crown sa ulo ko na kulay itim din. Hinihintay ko na tawagin nila ako o kunin nila ako sa silid ko dahil pagkatapos nila akong ayusin iniwan na nila ako. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na gagawin ko ‘to. Hindi ko ka